Malapit na mag 1 year old si Basti! Nakakagulat. Ang bilis. Totoo pala lahat ng mga narinig ko at nabasa. Mabilis lang ang pagiging baby.
Ang dami nang nagbago kay Basti. Mahilig na siyang ngumiti at tumawa. Nagagalit na siya pag kinukuha mo o inilalayo ang laruan niya. Ang kulit-kulit na niya. Ayaw na niyang humiga habang pinapalitan ng diaper. Hindi na rin siya nalulunod kapag binubuhusan ng tubig ang mukha niya.
Kaakibat ng paglaki niya, madaming mga komento at suggestion akong naririnig sa pagpapalaki sa kanya. Bakit daw nagluluha ang isang mata. (Kasi meron siyang blocked tear duct pero ayaw nila maniwala at kung anu-anong hypothesis ang minumungkahi. Kesyo mahaba na daw masyado ang buhok, etc etc ad infinitum.) Bakit daw hindi pa nagsasalita. (10 months pa lang po kasi siya. Nagdadaldal siya pero walang katuturan at hindi namin kayang pilitin siyang magdaldal on command. Kung kelan lang niya gusto saka lang niya ginagawa.) Bakit daw hindi pa naglalakad. (Yun din, 10 months pa lang po kasi siya. Iba-iba naman pong age natututo maglakad ang mga bata. Gumagabay naman po siya at marunong na tumayo. Minsan pa nga sinusubukan niya tumayo nang walang hinahawakan.)
Hay, nakakapagod mag-explain. Minsan di na lang ako sumasagot. Pero eto ang alam ko, kahit ano pa man ang mangyari, kahit na hindi matutunan ni Basti agad ang mga bagay-bagay. Ok lang. Eenjoyin ko na lang ang pagkabeybi niya. ^_^
Beybi, Beybi

Rate this:
→ Leave a comment
Posted in Life
Tagged baby, basti, comments, milestones, suggestions